• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • 5 nagbebenta ng sex video ni Ramgen Revilla, nadakip ng CIDG

    By dzmm.com.ph | 20:42 PM 02/22/2012

  • "Nagbabala ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa publiko na huwag nang tangkilikin ang sex video ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla at kasintahang siJanelle Manahan."

    Nagbabala ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa publiko na huwag nang tangkilikin ang sex video ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla at kasintahang siJanelle Manahan.

    Aayon kay Police Supt. Emma Libunao ng CIDG Women and Children's Protection Division, patuloy ang ginagawa nilang kampanya para habulin ang mga nagkakalat ng naturang sex video na patagong ibinibenta.

    Katunayan, 5 lalaki ang dinampot nila sa raid sa isang commercial complex sa Cainta, Rizal matapos madiskubreng nagbebenta ng naturang sex video.

    Giit ni Libunao, batay sa Republic Act (RA) 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act, may kaakibat na parusa ang mga mapatutunayang nagbebenta ng mga ganitong uri ng palabas.

    Tungkulin aniya nilang habulin ang mga nagkakalat ng sex video matapos na ring humingi ng tulong sa kanila si Manahan. Report from Edwin Sevidal, Radyo Patrol 37



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »