• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • 2-araw na coding sa EDSA, isusulong pa rin ng MMDA sa kabila ng negatibong reaksyon

    By dzmm.com.ph | 08:02 PM 07/11/2013
  • image
    "Isusulong pa rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang dalawang araw na coding system sa Edsa sa kabila ng samu't saring batikos reaksyon na inaani nito. "

    Isusulong pa rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang dalawang araw na coding system sa Edsa sa kabila ng samu't saring batikos reaksyon na inaani nito.

    Sa bagong sistema ng number coding, apat na numero kada araw ang ipagbabawal sa Edsa kapag rush hour o mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

    Tuwing Lunes, coding ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4.

    Kapag Martes naman ang mga may plakang nagtatapos sa 5, 6, 7 at 8; kapag Miyerkules, 9, 0, 1 at 2; kapag Huwebes, 3, 4, 5 at 6; at kapag Biyernes, 7, 8, 9 at 0.

    Sa unang plano, ipatutupad ang bagong number coding sa Edsa at maging sa ibang lansangan sa Metro Manila.

    Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, inasahan na niya ang negatibong reaksyon sa kanilang panukala.

    Gayunpaman, ilalatag pa rin nila ito sa Metro Manila Council kung saan pagbobotohan kung papasa ang naturang panukala. Report from Jing Castañeda, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Malawakang kilos-protesta at tigil-pasada, ikinasa ng PISTON ngayong Lunes October 26, 2014 11:23:14 »
  • METRO Osmeña Highway, muling binuksan October 25, 2014 15:06:37 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Donaire, pinasok ang maling timbang - analyst October 25, 2014 15:59:30 »
  • PAPAL VISIT Shooting ng music video para sa pagdating ng Santo Papa, sinimulan na October 25, 2014 20:21:45 »
  • REGION P6-M halaga ng shabu, nasabat sa Cotabato City October 25, 2014 20:25:18 »
  • WORLD 16 patay sa pagguho ng minahan sa China October 25, 2014 20:37:08 »