• PANAHON
    Manila, 33°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 26°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • 15 sugatan sa pagsabog ng tangke ng gas sa Maynila

    By dzmm.com.ph | 07:51 AM 07/10/2013
  • image
    "Labing-lima ang sugatan, kabilang ang anim na kritikal, sa pagsabog ng tangke ng gas sa Cristobal Street, Paco, Maynila noong Linggo ng tanghali."

    Labing-lima ang sugatan, kabilang ang anim na kritikal, sa pagsabog ng tangke ng gas sa Cristobal Street, Paco, Maynila noong Linggo ng tanghali.

    Nakunan ng closed-circuit television (CCTV) camera sa Barangay 662 Zone 71 ang pagsabog sa bahay ng Pamilya Garcia.

    Sa imbestigasyon ng barangay, inaayos ng padre de pamilyang si Rey Garcia ang sumisingaw umanong tangke ng gas ng kalan nang sumabog. Maliit lang ang tangke na nasa tatlong kilo lamang.

    Kulob ang bahay. Umakyat ang gas hanggang sa mag-iba ang kulay ng ilaw na sinundan ng pagsabog.

    Sa lakas ng pagsabog, lumipad ang bubong ng bahay ng mga Garcia.

    Naramdaman din ng mga kapitbahay ang malakas na pagyanig. Nabasag pa ang salamin sa bintana at nawasak maging ang kisame at pinto ng ilang kapitbahay ng mga Garcia.

    Ilan sa mga sugatan ay pawang mga bata. Anim ang kritikal na ginagamot pa rin sa Philippine General Hospital (PGH).

    Pinakamalubha sa mga biktima ang amang si Rey at 5-taong gulang na anak na nabagsakan ng gumuhong pader habang naglalaro.

    Umaapela naman ng tulong sa pagpapagamot ang kaanak ng mga biktima. Report from Franciz Faulve, ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pag-iral ng Amihan, hanggang ika-2 linggo ng Marso na lang; mainit na panahon, nagbabadya na March 03, 2015 06:20:25 »
  • METRO 2 patay matapos magsaksakan sa QC March 03, 2015 06:28:06 »
  • ENTERTAINMENT Lolit: Jolo, depressed bago mabaril ang sarili; sinapit ng ama, di matanggap March 02, 2015 19:33:27 »
  • SPORTS Tax exemption kay Pacquiao, kinontra ng mga kasamahan sa Kamara March 02, 2015 18:09:03 »
  • PAPAL VISIT Pope Francis, sumulat sa mga taga-Leyte February 03, 2015 16:53:39 »
  • REGION AFP: 24 ASG members, patay sa bakbakan sa Sulu March 02, 2015 08:16:47 »
  • WORLD 19 Kristiyanong binihag ng ISIS, pinakawalan March 02, 2015 21:44:01 »