• 11 Pulis-Maynila na sangkot umano sa pangongotong sa balikbayan, kinasuhan na

    By dzmm.com.ph | 12:33 PM 09/18/2012
  • image
    "Photo: Ang balikbayang si Belinda Placido na kinotongan umano ng P1 milyon ng hepe ng Manila Police District (MPD) Station 4 at 10 tauhan nito."

    Kinasuhan na ang hepe ng Manila Police District (MPD) Station 4 at 10 tauhan nito kaugnay ng kasong pangongotong umano ng P1 milyon sa isang balikbayan sa Zambales.

    Ayon kay Zambales Deputy Provincial Director for Administration Sr. Supt. Jimmy Chiu, tulad ng lumutang na si PO1 Jospeh Vistan, kidnapping with extortion din ang kakaharaping kaso ni Police Superintendent Rolando Balasabas at siyam pang tauhan.

    Binanggit ni MPD Assistant Director for Operations Sr. Supt. Robert Po na ibinase ang kaso sa pahayag ng biktimang si Belinda Placido na mahigit dalawang araw umanong pinigil ng mga pulis.

    Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor's Office si Vistan.

    Una nang sinibak ang 11 pulis kasabay ng kautusang massive manhunt operations sa siyam pang hindi lumulutang para magpaliwanag sa kaso. Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ikaw Na Ba: Panayam kay Chiz Escudero (Ikalawang Bahagi) February 06, 2016 16:59:48 »
  • METRO Peace caravan sa pagpasa ng BBL, umarangkada na January 19, 2016 11:50:55 »
  • ENTERTAINMENT Erik Matti, balak magpa-audition sa gaganap na ‘Darna’ January 16, 2016 16:09:00 »
  • SPORTS Dos Mil Kinse: Balitang palakasan December 31, 2015 00:21:54 »
  • REGION 2 pang nasawi sa Tagaytay car crash, kilala na January 19, 2016 12:25:47 »
  • WORLD 7 patay sa Indonesia attack; atake, inako ng ISIS January 15, 2016 11:20:18 »
  • GOOD NEWS Panibagong tapyas-presyo sa langis, ipatutupad January 18, 2016 13:58:22 »