• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly rainy
    • Baguio, 25°C
      Partly rainy
    • Cebu City, 31°C
      Partly stormy
  • 1,590 estudyante ng UST, na-istranded dahil sa baha; klase, sinuspinde

    By dzmm.com.ph | 07:47 AM 09/11/2012
  • image
    "Umabot sa 1,590 na estudyante ng University of Santo Tomas (UST) ang na-istranded matapos bumaha sa España, Maynila bunsod ng malakas na buhos ng ulan kagabi."

    (UPDATE 2) Umabot sa 1,590 na estudyante ng University of Santo Tomas (UST) ang na-istranded matapos bumaha sa España, Maynila bunsod ng malakas na buhos ng ulan kagabi.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni UST Director of Public Affairs Professor Giovanna Fontanilla na nagdesisyon ang mga estudyanteng manatili sa unibersidad imbes na suungin ang mataas na tubig-baha.

    "Kagabi nagkaroon ng flash flood dahil sa lakas ng ulan so may mga estudyante ho kami na nahirapan na hong umuwi. Sa España, dun ho talaga ang medyo mataas ang baha, meron hong [umabot sa] kalahating binti at may ibang areas na umabot sa tuhod."

    "May mga iba na imbes umuwi, sa UST na lang ho sila nag-stay."

    Binigyan naman anya ng tulong na pagkain at matutulugan ng unibersidad ang mga estudyante.

    "Meron po kasi kami sa UST na tinatawag na Crisis Management Committee, so kapag may mga pangyayari, may baha tapos may mga estudyanteng na-istranded, meron po kaming mga measures para pangalagaan ang mga estudyante."

    Sa ngayon anya, humupa na ang baha sa loob ng campus pero malakas pa rin ang ulan kaya pinangangambahang tataas pa ang tubig-baha sa España na maaaring muling makaapekto sa kanila.

    Sinuspinde na rin anya ang klase ngayong araw sa unibersidad, subalit may pasok ang mga teaching at non-teaching personnel.

    Bandang alas-6:00 ng umaga, namataan naman ang ilang estudyanteng umaalis na ng unibersidad, habang ang ilan naman ay sinundo na ng kanilang mga magulang. With report from Zhander Cayabyab, Radyo Patrol and Noel Alamar, Radyo Patrol 38





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL De Lima: Hindi ako magre-resign September 01, 2015 14:46:01 »
  • METRO 3 bata pinatay ng sariling ama September 01, 2015 09:56:53 »
  • ENTERTAINMENT Julia Montes, hindi na-offend nang hindi makilala ni Ariel Rivera August 21, 2015 13:56:10 »
  • SPORTS Jordan Clarkson, pwedeng maglaro sa Gilas pero... August 25, 2015 19:43:54 »
  • REGION 2 pawnshop, nabiktima ng 'Daga-Daga Gang' September 01, 2015 13:53:01 »
  • WORLD OFWs, binalaan sa modus na third party recruitment September 01, 2015 09:37:25 »
  • GOOD NEWS Mga payo, kwento ng inspirasyon mula sa photographer na DH sa Hong Kong August 11, 2015 17:02:28 »