- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
Prosekusyon: Collegiality, dahilan lang ni Corona para makatakas sa pananagutan
By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 20:12 PM 02/22/2012 -
-
"Iginiit ng House prosecution panel na hindi maaaring magtago sa likod ng collegiality o kapangyarihan ng buong konseho, si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para makatakas sa umano'y pagiging partial nito sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para makapag-abroad si dating pangulong Gloria Macapagal- Arroyo."Iginiit ng House prosecution panel na hindi maaaring magtago sa likod ng collegiality o kapangyarihan ng buong konseho, si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para makatakas sa umano'y pagiging partial nito sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para makapag-abroad si dating pangulong Gloria Macapagal- Arroyo.
Matatandaang sa botong 8-5, nagpalabas ng TRO ang SC upang pigilan ang watchlist order (WLO) ng Department of Justice (DOJ) para makapagpagamot sa ibang bansa si Ginang Arroyo.
Ayon kay Representative Neri Colmenares, "The issue is the chief justice committed an act of partiality. Pwede rin namang hindi naging partial 'yung iba (mahistrado) pero si chief justice ay partial siya, so siya lang ang kakasuhan. Hindi siya maaaring magtago sa likod ng collegiality kung may nagawa siyang individual act of partiality."
Inilahad din ng mambabatas ang basehan ng kanilang alegasyon sa punong mahistrado.
"The chief justice can issue the TRO. Ang problema niyan pumunta siya ng abroad ng November 4 at ang balita ayon sa dissenting opinion, manonood siya ng Pacquiao game. Pero bumalik siyang bigla noong November 10, kasi noong November 8 na-file ang petisyon ni GMA. Kaya isang alegasyon namin 'yan sa prosekusyon na bumalik siya ng November 10 precisely to ensure na maka-isyu ng TRO."
Pinanindigan din ni Colmenares ang umano'y partiality ni Corona, lalo't sa isang en banc session ay may kapangyarihan aniya ang chief justice na itala ang basis minutes ng sesyon at bahala rin itong mag-phrase ng mga napag-usapan.
"Ang sabi ng mga justices like Justice (Ma. Lourdes) Sereno, ang desisyon ay hindi effective 'yung TRO pero nang lumabas ang resolusyon ay baliktad ang nilagay ni Corona."
Aniya, nakalagay din sa dissenting opinion ni Justice Presbitero Velasco na ninais nitong tuparin muna ng kampo ng mga Arroyo ang mga konsidyon sa TRO.
Pero ayon kay Colmenares ay pinayagan na ni Corona na makalabas si Arroyo at binigyan pa niya ng limang araw para maayos ang mga kondisyon nang walang hearing.
"That's the main part of Article 7. He distorted the decision in the TRO," giit ng mambabatas.
Tiwala rin ang prosekusyon na maraming ibinulgar na impormasyon si Justice Secreatry Leila de Lima sa pagharap nito sa impeachment court.
Ayon kay Colmenares, "Malinaw doon sa testimonya ni Justice De Lima na iregular ang pag-isyu ng TRO, walang life and death situation at kailangan lamang ni Arroyo na tumakas." -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »