- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
Pagtalakay sa Article 3, tinapos na; 3 pang alegasyon sa ilalim nito, tinanggal ng prosekusyon
By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 15:52 PM 02/22/2012 -
-
"Tinapos na ng prosekusyon ang pagtalakay sa Article 3 ng impeachment complaint na tumutugon sa alegasyon patungkol sa umano'y kawalan ng integridad ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para manatili sa liderato ng hudikatura. "Tinapos na ng prosekusyon ang pagtalakay sa Article 3 ng impeachment complaint na tumutugon sa alegasyon patungkol sa umano'y kawalan ng integridad ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona para manatili sa liderato ng hudikatura.
Ito'y matapos na hindi payagan kahapon ni Presiding Officer Juan Ponce-Enrile ang pagpiprisinta kay Philippine Airlines (PAL) Vice President for Sales Enrique Javier sa kabila ng pagpipilit ng prosekusyon.
Batay sa naging desisyon ng impeachment court, walang direktang kaugnayan ang magiging testimonya ni Javier tungkol sa mga espesyal na pribelihiyo na natanggap ni Corona sa alegasyong tinutukoy sa Article 3.
Ayon kay House prosecutor Rep. Georgidi Aggabao, hindi na sila magpiprisinta ng mga ebidensya at testimonya na tumutugon sa tatlong nalalabi pang kaso na nakapaloob sa Article 3.
Dahil dito, hindi na isasama ang mga kasong tumatalakay sa labis umanong ugnayan ng chief justice kay dating pangulong Gloria Arroyo na nagresulta sa pagkakatalaga kay Ginang Cristina Corona sa John Hay Management Corporation (JHMC).
Hindi na rin magpiprisinta ang prosekusyon ng mga testigo at ebidensya sa kaso patungkol sa umano'y paggamit ni Corona ng public funds sa mga bagay na personal at pakikipag-usap nito sa mga litigants na may nakabinbing kaso sa Korte Suprema.
Nangangahulugang ang kaso na lamang hinggil sa umano'y pagbaligtad sa unang desisyon sa kaso ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) laban sa PAL ang mananatili at si FASAP President Roberto Anduiza na ang huling testigo para sa Article 3.
Sa puntong ito, sinubukan pang hilingin ni defense lead counsel Justice Serafin Cuevas na matanggal ang naging testimonya ni Anduiza dahil wala rin aniya itong direktang kinalaman sa Article 3.
Nagdesisyon naman si Enrile na hayaan na lamang manatili ang testimonya ni Anduiza sa opisyal na record ng impeachment court. -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »