• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Depensa, kinuwestyon ang pagdidiin kay Corona kahit 8 mahistrado ang pumabor sa TRO

    By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 19:47 PM 02/22/2012

  • "Kinuwestyon ng defense panel ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang pagdidiin sa punong mahistrado gayong hindi lamang ito ang sumang-ayon sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo."

    Kinuwestyon ng defense panel ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang pagdidiin sa punong mahistrado gayong hindi lamang ito ang sumang-ayon sa paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

    Ayon kay Attorney Rico Quicho, tagapagsalita ng depensa, hindi malinaw sa direct examination ng prosekusyon at sa naging testimonya ni Justice Secretary Leila de Lima na minaniobra ng punong mahistrado ang botohan.

    Aniya,"Bakit mo kailangang i-single out si Chief Justice Corona kung walong mahistrado ang bumoto? Wala talagang matibay at malinaw na ebidensiya na magsasabing si chief justice ay may ginawang mali o nag-impluwensiya sa ibang kasamahan."

    Naniniwala rin ang kampo ni Corona na wala namang bagong isyu na ibinulgar si De Lima lalo't ang mga sinabi nito ay inilahad na mismo ng kalihim noong mainit pa ang usapin ng pag-aabroad ng mag-asawang Arroyo, at sa katunayan anila'y napag-piyestahan na rin ng media.

    Patungkol naman sa isyu ng umano'y conspiracy ng mga mahistrado, binigyang diin ng depensa na kailangan munang mapatunayan na may ginawang krimen ang mga idinadawit at ito'y planado o sadya, bago sabihing may pagsasabwatan.

    Gayunpaman, itinanggi ni Atty. Karen Jimeno na iaapela nila ang naging testimonya ni De Lima na naniniwalang may conspiracy sa pagitan ng mga bumotong mahistrado pabor sa TRO.

    Aniya, malamang ay hindi ito intensyon ng kalihim at opinyon lamang iyon.

    Sa pagtalon naman ng prosekusyon sa pagtalakay ng Article 7 ng impeachment complaint o ang isyu ng paglalabas ng TRO ng SC, inihayag ni Atty. Tranquil Salvador III, isa pang tagapagsalita ng kampo ng punong mahistrado, na anupaman ang rason ng kabilang panig ay nirerespeto nila ito.



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »