• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Unang Pinoy na tatapak sa outer space, pinangalanan na

    By dzmm.com.ph | 05:03 PM 12/07/2013
  • image
    "Pinangalanan na ang kauna-unahang Pinoy na tatapak sa outerspace sa 2014."

    Pinangalanan na ang kauna-unahang Pinoy na tatapak sa outer space sa 2014.

    Umangat si Chino Roque upang makasama sa 21 iba pa mula sa 60 na iba't ibang bansa para sa 30 minuto biyahe sa outer space.

    Una nang sinabi ng 22-anyos na psychology graduate mula De La Salle University Manila na ang "never-give-up type of attitude" ang kanyang magiging kalamangan.

    Si Roque ay isang crossfit coach at nakasali na sa iba't ibang kompetisyon.

    Pinakabatang kandidato si Roque sa dalawang Pinoy na nakasama at dumaan sa astronaut training sa AXE Apollo Space Camp in Orlando, Florida.

    Sumailalim din sya sa air combat training at assault course.

    Ang 22 mapalad na napili na makatungtong sa outer space ay makakatanggap ng ticket para makalipad lulan ng X-COR Aerospace Lynx Aircraft sa 2014.

    Nagkakahalaga ng $95,000 ang kada tiket at inaasahan magsisimula na ring maglipad ng mga customer sa 2015. Report and photo from Don Tagala, ABS-CBN North America News Bureau





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Mabilis na usad ng kaso, hiling ng palasyo sa bisperas ng Maguindanao massacre anniv November 22, 2014 16:25:51 »
  • METRO Road reblocking, pahinga muna mula Dec 15-Jan 5 - MMDA November 22, 2014 16:08:50 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 22, 2014 10:56:50 »
  • SPORTS Pacquiao pasok sa weigh-in, Algieri bagsak sa unang pagtatangka November 22, 2014 10:27:13 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION Kampo ng NPA sa Sultan Kudarat, nakubkob ng militar November 22, 2014 11:29:42 »
  • WORLD Manikang pangontra kay Barbie, ibinibenta sa US November 22, 2014 14:47:35 »