• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 24°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 29°C
      Partly cloudy
  • Pasko sa Pilipinas, pinapurihan sa CNN website

    By dzmm.com.ph | 09:02 PM 12/11/2012

  • "Kinilala sa website ng CNN ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. "

    Kinilala sa website ng CNN ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

    Sa artikulo ni Sarah Brown na "The Philippines shows the world how to celebrate Christmas", inisa-isa nito kung bakit mas masaya at tunay ang diwa ng Pasko sa bansa.

    Kinikilalang pinakamahaba sa buong mundo ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas na nagsisimula Setyembre 1 pa lamang.

    Mula sa naggagandahang pailaw, paputok at mga pagkain gaya ng puto bumbong at bibingka hanggang sa pagsasalo-salo ng pamilya sa noche buena, bidang-bida ang makulay at kakaibang Paskuhan sa bansa.

    "The southeast Asian island nation has the world's longest festive season -- and pulls no punches in its celebratory zeal for the period, with lavish light displays, masses, and festivals held throughout the country from September until January."

    Pero bukod dito, sinabi rin sa artikulo na habang abala ang maraming bansa sa komersiyalisasyon na dulot ng Kapaskuhan, hindi nakakalimutan ng mga Pilipino ang pagsisimba o ang tinatawag na "Simbang Gabi."

    "While many countries concentrate on the commercial side of Christmas, Filipinos attend several masses throughout the Christmas season and faith forms an intrinsic part of celebrations."





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Gigi Reyes, hinikayat ng Malakanyang na magsalita na sa pork scam April 19, 2014 17:08:32 »
  • METRO Aminin ang pagkakamali, hamon ni Deniece kay Vhong ngayong Holy Week April 16, 2014 20:11:09 »
  • ENTERTAINMENT Mga kapatid ni Paul Walker, gaganap sa 'Fast 7' April 16, 2014 09:59:11 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION 5 patay, 15 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa CamSur April 16, 2014 21:20:34 »
  • WORLD Kapitan ng lumubog na Korean ferry, inaresto; death toll, 29 na April 19, 2014 17:09:12 »
  • GOOD NEWS 29 taong paghahanap ng Fil-Am sa Pinoy na ama, natuldukan dahil sa DZMM April 14, 2014 21:51:10 »