• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Batang Pinoy, naiuwi ang International Children's Peace Prize 2012

    By dzmm.com.ph | 03:33 PM 09/20/2012
  • image
    "Makasaysayang tinanggap ni Carlos 'Kesz' Valdez, 13-anyos ang prestihiyosong International Children's Peace Prize ngayong taon."

    Makasaysayang tinanggap ni Carlos 'Kesz' Valdez, 13-anyos ang prestihiyosong International Children's Peace Prize ngayong taon.

    Iginawad ni 1984 Nobel Peace Prize winner Archbishop Desmund Tutu ang parangal kay Kesz sa makasaysayang Ridderzaal o Knights Hall sa The Hague, Netherlands.

    Kinilala ng award-giving body ang serbisyo publiko ni Kesz na tubong Cavite sa pamamagitan ng pagbuo ng kanyang grupo na 'Caring Children' na nakatulong na sa 246,000 kabataan sa nakalipas na anim na taon.

    "For the Philippines, you may have difficulties but those difficulty seem to keep producing outstanding young people like Kesz which give hope that nothing ultimately can defeat us," mensahe pa ni Tutu.

    Kinikilala ang naturang parangal bilang katumbas ng Nobel Peace Prize para sa mga kabataan na nakagawa ng malaking kontribusyon sa kabila ng kanilang edad.

    Inaalay naman ni Kesz ang tropeo sa mga batang lansangan ng Pilipinas.

    "Lalo na mga batang kalye sa Pilipinas, 'wag po silang mawawalan ng pag-asa. Naniniwala po ako na hindi po hadlang ang edad natin. Hindi po hadlang ang status natin sa buhay para din po makatulong sa ibang tao. Mag-ambag sa ating lipunan, sa ating country sa Pilipinas."

    Kabilang pa sa finalists sa kompetisyon sina Amina, 15-anyos mula Ghana at Anwara, 16-anyos mula India. With report from ABS-CBN News and photo from childrenspeaceprize.org





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL HK journalists na nambastos kay PNoy, blacklisted na sa Pilipinas November 23, 2014 09:53:08 »
  • METRO Naka-motorsiklong traffic enforcer, nagulungan ng trak sa QC November 22, 2014 21:11:51 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 22, 2014 10:56:50 »
  • SPORTS PH Azkals, tinambakan ang Laos sa Suzuki Cup November 22, 2014 17:00:26 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 4-taong gulang na paslit, ginilitan ng lolo November 22, 2014 21:05:47 »
  • WORLD Japan, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol November 23, 2014 11:29:59 »