• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Toni Gonzaga, host ng PH edition ng 'The Voice'

    By dzmm.com.ph | 08:08 PM 02/03/2013
  • image
    "Kumpirmado nang si Toni Gonzaga na ang magiging host ng lokal na bersyon ng reality singing competition na “The Voice.”"

    Kumpirmado nang si Toni Gonzaga na ang magiging host ng lokal na bersyon ng reality singing competition na “The Voice.”

    Sa isang video na inere sa 'The Buzz' ngayong Linggo, kakaibang konsepto ang handog ng bagong aabangang singing competition.

    “We will showcase the best singers in the Philippines like you've never seen them before,” dagdag pa nito.

    Bago ang kumpirmasyon, unang inakala na sina Tony Award winner Lea Salonga at "Pinoy Big Brother" alumnus Robi Domingo ang magiging host ng show pero pinabulaanan ito ng production team ng "The Voice."

    Gumugulong na ngayon ang auditions kung saan maging ang mga Pinoy sa US ay sumalang na noong Setyembre.

    Kabilang sa mga kakaibang pakulo ng show ang 'Blind Auditions' kung saan tanging boses lamang ang pagbabasehan ng mga hurado.

    "[We are looking for] somebody who has an exceptional voice. "Compared to the other formats that we have, ‘X-Factor’ and ‘Pilipinas Got Talent,’ ‘The Voice’ is clearly about someone who has an exceptional singing voice," ayon sa direktor ng installment na si Lauren Dyogi.

    Nangungunang singing competition sa US ang ikatlong season ng 'The Voice' na ineere sa NBC.

    Kabilang sa mga host doon sina Carson Daly, Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green at Blake Shelton. Report from ABS-CBNnews.com





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Southern Luzon, apektado ng tail-end of cold front November 24, 2014 05:55:50 »
  • METRO Taxi driver, nangholdap ng pasahero; tinangay pa ang motorsiklo ng MMDA enforcer November 24, 2014 08:16:20 »
  • ENTERTAINMENT Kim, Coco at iba pang Kapamilya stars, wagi sa PMPC Awards November 24, 2014 07:16:01 »
  • SPORTS Pacquiao vs Mayweather, sigaw ng netizens kasunod ng Algieri bout November 23, 2014 20:25:32 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION Tulay sa Sta. Elena, CamNorte, bukas na sa maliliit na sasakyan November 24, 2014 08:42:00 »
  • WORLD Japan, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol November 23, 2014 18:20:59 »