• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 20°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Sharon Cuneta at Kris Aquino, bahagyang nagkagirian bunsod ng isang parody interview

    By dzmm.com.ph | 07:43 PM 11/14/2012

  • "Bahagyang nagkagirian sina Sharon Cuneta at Kris Aquino bunsod ng isang parody interview sa isang blog. "

     

    Bahagyang nagkagirian sina Sharon Cuneta at Kris Aquino bunsod ng isang parody interview sa isang blog.

    Inakala kasi ng megastar na si Aquino talaga ang nakapanayam ng blogger na si The Professional Heckler kung saan nagkomento ang parody version na si "Krissy" na ayaw nitong i-follow sa Twitter si Cuneta dahil ayaw nitong ma-stress.

    "Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC."

    Gumanti naman si Cuneta at sumagot sa kaniyang opisyal na Twitter account (@sharon_cuneta12) at sinabing "'Yaan na natin. Di ko rin naman sya fina-follow ever. Sasakit ang ulo ko."

    Pero agad nilinaw ni Aquino na hindi siya ang nagbigay ng mga naturang pahayag at hindi siya ang nakapanayam ng blogger.

    "@krisaquino214 : I don't understand y u want to create animosity? It was the parody "krissy" who commented about @sharon_cuneta12."

    Lumalabas na nagpadala din ng text message si Aquino kay Cuneta bilang paglilinaw na wala siyang sinasabing anumang masamang bagay tungkol sa kapwa aktres.

    Maging ang blogger na si Professional Heckler ay nagbigay ng pahayag sa kaniyang Twitter: "@HecklerForever : Dear everyone, my blog post titled EXCLUSIVE: Krissy Returns is a parody interview. I did NOT interview Ms Kris Aquino!"

    Bunsod nito, humingi ng paumanhin si Cuneta sa pamamagitan pa rin ng kaniyang Twitter.

    "This has taught me another important lesson: We should really be careful who we believe here on Twitter. There are lots of people pretending to be us artistas & we should make sure that we know who's talking before we react, especially if what we read hurts us. Sorry about that, Kris. And sorry, everyone. Thanks!"






  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Panibagong batch ng OFWs mula Libya, nakauwi na ng bansa August 21, 2014 22:01:03 »
  • METRO 15 ibinubugaw sa mall sa Quiapo, nailigtas ng NBI August 21, 2014 18:20:36 »
  • ENTERTAINMENT Derek, umaming nagpakasal noong 2002 at may anak August 21, 2014 17:14:41 »
  • SPORTS Batang Gilas, pinayuko ng SoKor sa FIBA Asia U-18 August 21, 2014 22:00:35 »
  • REGION Binatilyo, kritikal matapos mabaril ang sarili habang nagse-selfie August 21, 2014 22:01:04 »
  • WORLD Patay sa landslides sa Japan, halos 40 na August 21, 2014 10:33:14 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »