• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Rainy
    • Metro Cebu, 31°C
      Cloudy
  • Pinay caregiver, pasok sa Top 12 ng 'X Factor Israel'

    By dzmm.com.ph | 10:32 AM 12/20/2013
  • image
    "Umabante ang isang Pinay caregiver sa Top 12 ng reality talent show na "X Factor Israel.""

    Umabante ang isang Pinay caregiver sa Top 12 ng reality talent show na "X Factor Israel."

    Lumabas sa kauna-unahang live performance ang 46 anyos na si Rose "Osang" Fostanes sa X Factor Israel nitong Miyerkules.

    Umapela naman ng suporta si Fostanes sa mga kababayang Pilipino upang tulungan syang manalo at maabot ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagboto sa kanya.

    "Pwede pong mag vote yung mga kababayan nating wala dito sa Israel. Open vote po every Wednesday and Saturday. Hanapin lang po, reshet tv.com. Salamat po!" banggit ni Fostanes sa kanyang Facebook.

    Maaaring iboto si Fostanes sa pamamagitan X Factor Israel website na www.reshet.tv.

    Bagamat mahirap bumot sa naturang site dahil sa lengwahe na Hebrew, suhestiyon ng kasamahang Pinay caregiver at blogger mula Canada, "Go to the www.reshet.tv then find the X-Factor link to vote. The website is in Hebrew but if you are using the Google Chrome, copy paste the symbols then google translate it," ani Racquel Delfin Padilla sa kanyang Facebook.

    Mapapanood din anya si Fostanes ng live via http://reshet.tv/shows/live/video/ o i-download ang reshet.tv apps sa cellphone. Report from ABS-CBNNews.com, Photo from X Factor Israel's Facebook page





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Paglilipat sa NBP, ipinamamadali November 22, 2014 20:57:53 »
  • METRO Naka-motorsiklong traffic enforcer, nagulungan ng trak sa QC November 22, 2014 21:11:51 »
  • ENTERTAINMENT DZMM anchors, nag-thank you sa mga taong nagbibigay-inspirasyon sa kanila November 22, 2014 10:56:50 »
  • SPORTS PH Azkals, tinambakan ang Laos sa Suzuki Cup November 22, 2014 17:00:26 »
  • PAPAL VISIT Papal Visit committee, bukas para sa mga donasyon November 20, 2014 21:06:03 »
  • REGION 4-taong gulang na paslit, ginilitan ng lolo November 22, 2014 21:05:47 »
  • WORLD Manikang pangontra kay Barbie, ibinibenta sa US November 22, 2014 14:47:35 »