• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Phoemela Barranda, umaming may 15-anyos na anak

    By dzmm.com.ph | 05:32 PM 10/27/2013
  • image
    "Umamin ang model-TV host na si Phoemela Barranda na may anak na siya."

    Umamin ang model-TV host na si Phoemela Barranda na may anak na siya.

    Sa panayam sa programang "Buzz ng Bayan", sinabi ni Phoemela na itinago niya ang anak sa loob ng 15 taon.

    Anya, sa mga nakalipas na taon ay ipinakilala niya si Kim Nichole Baranda bilang pamangkin o 'di kaya'y kapatid, at nag-buhay dalaga siya.

    Katwiran ni Phoemela, 19-anyos siya nang mabuntis at kasagsagan noon ng kanyang career bilang model.

    Ang ina niya ang nag-alaga sa kanyang anak.

    Pero nang pumanaw ang kanyang Mommy, napagtanto ni Phoemela na ayusin ang kanyang pagiging ina kay Kim.

    Pag-amin

    Nagulat naman ang netizens sa rebelasyong ito ng model-TV host.

    Pero kasabay nito, umani rin ng papuri si Phoemela sa social media, partikular sa microblogging site na Twitter.

    reeyah. ‏@gotmeJLOve: @BuzzNgBayan wow totally mixed ang emotions ko kakapanood dito.

    ☆ Maria Julie ツ ‏@_JuLieCiOus_ : Naiyak ako sa revelation tungkol kay #Phoem @BuzzNgBayan 😢

    archie broqueza ‏@archieTheFirst: kakashock ah! Phoem is already a mother! di halata! she's very brave and i like that! :) @BuzzNgBayan

    Charlemagne Wagan ‏@CheCheWagan: So shocking! Still, I salute Ms. Phoem! ;) @BuzzNgBayan #BuzzNgBayan #pasabog

    carla ollibac ‏@carla_IE25: @BuzzNgBayan Respect her decision. She has a reason behind that matter. And we have no right to invade her private life.

    Sabi naman ng kapwa-celebrity ni Phoemela na si Vice Ganda, ‏"Phoemela Barranda's story. Condemn the act. Not the person. #BuzzNgBayan"

    Reaksyon naman ni Ruffa Gutierrez, "Watching @phoemelabaranda 'a revelation on #BuzzNgBayan that she has a 15 yr old daughter. I laud u! It's never 2 late 2 make things right!"

    Pagharap

    Sa "Buzz ng Bayan", ipinakilala rin ni Phoemela sa publiko ang kanyang anak.

    Ani Kim, sa kabila ng mga nangyari ay mahal na mahal niya ang kanyang ina.

    Dahil dito, umani rin ng papuri sa social media si Kim.

    Ken Castro ‏@castroken: Iba na tlga mga bata ngayon mas matured na sila mag-isip.Nakakatuwa yung mga bata na di nagtatanim ng sama ng loob sa magulang @BuzzNgBayan

    Joanna Maslog ✪ ‏@joannashobiie: @BuzzNgBayan Ang swerte ni phoem kay kim dahil naiintindihan sia. Wow! Ang ganda ng pagpplaki sa kanya.

    zhylleann106 ‏@zhylleann106: God bless you, @phoemelabaranda and to ur daughter. I am moved with your interview and big revelation @BuzzNgBayan. Photo from Phoemela Barranda's Instagram account





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL PNP, naka-full alert sa Undas October 25, 2014 17:55:55 »
  • METRO Osmeña Highway, muling binuksan October 25, 2014 15:06:37 »
  • ENTERTAINMENT Jim Paredes, nakatanggap ng death threat sa Twitter October 24, 2014 20:18:18 »
  • SPORTS Donaire, pinasok ang maling timbang - analyst October 25, 2014 15:59:30 »
  • PAPAL VISIT Nominasyon sa pagpili ng makakasalo ni Pope Francis sa Tacloban, bukas na October 24, 2014 12:32:01 »
  • REGION Posibilidad ng malakas na pagputok ng Mayon, bumababa October 25, 2014 17:31:10 »
  • WORLD 2 patay sa pamamaril sa high school sa US October 25, 2014 08:28:19 »