• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Melai at Jason, hiwalay na

    By dzmm.com.ph | 08:44 AM 02/22/2012

  • "Kinumpirma ng aktres at komedyanang si Melai Cantiveros na hiwalay na sila ng aktor si Jason Francisco."

    Kinumpirma ng aktres at komedyanang si Melai Cantiveros na hiwalay na sila ng aktor si Jason Francisco.

    Nang bumisita ang mga dating housemates sa Pinoy Big Brother house (PBB) kamakailan, kinumpirma ni Melai sa kasalukuyang housemates na sina Carlo Romero at Deniesse Joaquin na wala na nga sila ni Jason.

    Gayunman, sinabi ni Melai na hindi siya galit sa dati niyang kasintahan.

    Inamin naman ni Jason kay "Big Brother" ang estado nila ni Melai.

    "Aaminin ko kaming dalawa hindi kami marunong magtago ng feelings ng emotions. Kaya nga noon nakita mo, hindi ako masyadong pinapansin. Aaminin ko may tampuhan kaming dalawa pero dumarating naman 'yon at nagkataon lang na bigla kaming pumasok dito eh nasa moment pa kami ng tampuhan. Pero it doesn't mean na hiwalay na kami forever," sabi niya.

    "Sa natatandaan ko kasi hindi ko siya na-invite sa bahay ni Pareng Paul Jake. Akala niya, na-feel niya lang, na di siya importante sa akin. In-explain ko naman sa kanya na minsan ay gusto ko ding mag-isa kasi may iniisip ako para sa amin. So na-feel niya yata nanlalamig ako sa kanya o wala na akong feelings".

    "Hindi ako nagso-sorry sa kanya so gusto niya lang akong mag-sorry. Ako naman ayaw kong mag-sorry kasi wala naman akong kasalanan," dagdag ni Jason.

    Bagama't hiwalay na, sinabi ni Jason na mahal niya pa rin si Melai.

    "Siyempre naman mahal, as in ganoon pa din. Sinabi ko sa kanya dati na kung 'di dahil sa kanya ay di ako magtagal dito (sa PBB house). So ganoon din sa labas. Kasi siya lang ang tao na alam kong magiging kakampi ko at kasangga ba".

    Noong nakaraang linggo, tumanggi ang mga producer ng hit comedy show na "Banana Split" na ibahagi ang dahilan ng pag-alis ni Jason sa programa.

    Napabalitang umalis si Jason sa naturang show dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ni Melai. Report from ABS-CBN News



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »