• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Kantang in-interpret ni Aiza Seguerra, panalo ng P1-M sa Himig Handog P-Pop Love Songs

    By dzmm.com.ph | 09:44 AM 02/25/2013
  • image
    "Tinanghal na "Best P-Pop Love Song" ang awiting in-interpret ni Aiza Seguerra sa Himig Handog P-Pop Love Songs finals night sa Mall of Asia Area (MOA) kagabi."

    Tinanghal na "Best P-Pop Love Song" ang awiting in-interpret ni Aiza Seguerra sa Himig Handog P-Pop Love Songs finals night sa Mall of Asia Area (MOA) kagabi.

    Komposisyon ni Jovinor Tan ng Malabon ang awiting "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" na kinanta ni Aiza sa pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa.

    Nag-uwi si Tan ng P1-milyon dahil sa kaniyang nanalong love song.

    Narito ang ilan pang winners sa Himig Handog:

    2nd Place: "Hanggang Wakas" ni Soc Villanueva ng Australia, na inawit ni Juris Fernandez

    3rd Place: "If You Ever Change Your Mind" ni Marion Aunor ng Makati, na kaniya ring in-interpret

    4th Place: "Scared To Death" ni Domingo Rosco Jr. ng Bohol, na inawit ni KZ Tandingan

    5th Place: "Kahit Na" ni Julius James de Belen ng Quezon City at in-interpret ni Toni Gonzaga.

    Napunta naman ang The Fillipino Channel's (TFC) Choice award sa "This Song Is For You" ni Jude Gitamondoc ng Cebu City, na inawit ni Erik Santos. Napili ito matapos bomoto online ang mga overseas Filipino sa http://www.tfc.tv.

    Humakot naman ng parangal ang kantang in-interpret ni Daniel Padilla sa pamamagitan ng pagboto online o pagbili ng CD o pag-request ng kaniyang music video.

    Kabilang sa napanalunan ng "Nasa Iyo Na Ang Lahat" na komposisyon ni Jungee Marcelo ng Pasig City ang mga sumusunod na parangal:

    MOR Listener's Choice: song request
    Tambayan 101.9 Listener's Choice: song request
    Star Records CD Buyer's Choice: CD purchases
    MYX Choice for Best Video: music video requests/online voting.

    Kabuuang 2,500 orihinal na mga komposisyon mula sa mga Pinoy songwriters sa buong mundo ang natanggap ng "Himig Handog" kung saan 12 rito ang napasok na finalist sa "Himig Handog P-Pop Love Songs" finalists.

    Ang Himig Handog ngayong taon ay ay bahagi ng selebrasyon ng ABS-CBN at Star Records ng ika-60 anibersaryo ng Philippine television.

    Mayroon itong temang "Pinoy Pop (P-POP) Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino," na ayon sa paglalarawan ng ABS-CBN ay "a search for those endearing love songs with a distinctly Filipino soul."

    Ang DZMM.com.ph ay bahagi ng ABS-CBN Corporation. Report from ABS-CBNnews.com





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL ERC: Meralco, 'di basta makapagtataas-singil kahit mapaso ang TRO April 21, 2014 12:28:04 »
  • METRO Daloy ng trapiko sa EDSA-Ayala, nagsikip dahil sa aberya sa road reblocking; DPWH, humingi ng tawad April 21, 2014 12:24:27 »
  • ENTERTAINMENT Vintage car ni Angel Locsin, naka-subasta para sa 'Yolanda' victims April 21, 2014 11:22:53 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION Alkalde ng Gonzaga, Cagayan, binaril habang nasa flag raising ceremony April 21, 2014 12:17:26 »
  • WORLD Eroplano ng Malaysia Airlines, nag-emergency landing dahil sa sumabog na gulong April 21, 2014 10:14:02 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »