- NEWS
- BACK TO NEWS MAIN
-
"Sasabak na si Bankable actor John Lloyd Cruz at Pop Princess Sarah Geronimo sa ikatlong installment ng blockbuster films na "Very Special Love" at "You Changed my Life"."Sasabak na si Bankable actor John Lloyd Cruz at Pop Princess Sarah Geronimo sa ikatlong installment ng blockbuster films na "Very Special Love" at "You Changed my Life".
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni John Lloyd na tuloy-tuloy na nga ang pagbabalik-tambalan nila ni Sarah.
"Tuloy na tuloy na, next week sisimulan na namin 'yung 3rd movie," sabi niya.
Sa Hunyo aniya ang target playdate ng bago nilang movie ni Sarah.
Nagpasalamat naman ang batang aktor sa tagumpay ng first movie team-up nila ng aktres na si Angel Locsin na "Unofficially Yours".
Binanggit ni John Lloyd na masaya siya sa pagtabo ng pelikula sa takilya dahil kakaibang genre ito kaysa sa unang pagtatambal nila sa hit teleseryeng "Imortal".
Samantala, sinabi naman ni John Lloyd na sa kabila ng kasikatan ay may simpleng pamumuhay pa rin sila ng kanyang pamilya.
Ibinahagi rin ng aktor na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya bago siya mag-35-anyos.
Nais din aniya niyang maging bahagi ng pa rin ng showbiz, kahit na mapagdesisyunan niyang magkaroon ng sariling negosyo o magkaroon ng ibang propesyon.
Nilinaw naman ng aktor na wala siyang Facebook at Twitter account.
Kasunod ito ng mga naglalabasang pekeng account na ginagamit ang larawan at pangalan niya para mapag-usapan.
Inamin ng aktor na nais niya ng pribadong buhay kaya pinili niyang umiwas sa mga social networking sites. -
- Most Recent
- Most Discussed
- 1 Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 » May 16, 2012 23:41:48
- 2 Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list » May 16, 2012 23:41:16
- 3 PNoy, nagtalaga ng 2 special envoy sa China; Domingo Lee, muling hinirang » May 16, 2012 23:39:19
- 4 Sin Tax Reform Bill, sinertipikahang urgent ni PNoy » May 16, 2012 21:29:07
- 5 Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA » May 16, 2012 21:27:06
-
NATIONAL
Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list
May 16, 2012 23:41:16 »
-
IMPEACHMENT
Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22
May 16, 2012 23:41:48 »
-
METRO
1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila
May 16, 2012 20:55:19 »
-
REGION
Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA
May 16, 2012 20:08:49 »
-
WORLD
Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat
May 16, 2012 12:14:32 »
-
ENTERTAINMENT
Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA
May 16, 2012 21:27:06 »
-
SPORTS
Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee
May 15, 2012 19:00:31 »