• Weather
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
  • Jeremy Renner, nag-courtesy call kay PNoy

    By dzmm.com.ph | 15:39 PM 02/22/2012

  • "Nag-courtesy call kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Malakanyang ang bida ng Hollywood spy film na "The Bourne Legacy" na si Jeremy Renner."

    Nag-courtesy call kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Malakanyang ang bida ng Hollywood spy film na "The Bourne Legacy" na si Jeremy Renner.

    Nakasuot pa ng Barong Tagalog si Renner sa pakikipagkita sa Pangulo sa Presidents Hall kasama ang film producer na si Patrick Crowley, production manager na si Daniel Stillman, at ang local producer na si Jun Juban.

    Kasama naman ng Pangulo sina Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr., Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang, at MMDA chair Francis Tolentino.

    Binigyan ni Renner ang Pangulo ng DVD copies ng Bourne series, ang The Bourne Identity, The Bourne Supremacy at The Bourne Ultimatum gayundin ang dalawang pelikulang pinagbidahan ng aktor, ang The Town at The Hurt Locker.

    Pinabaunan naman ng Pangulo ang grupo ni Renner ng assorted chocolates na nakalagay sa mga kahong may logo ng Malakanyang, at mga librong The Inaugural na tungkol sa kaniyang inagurasyon at Noynoy's Sisters.

    Hindi na nakasama sa courtesy call sina Rachel Weisz at Edward Norton dahil nakaalis na ang mga ito.

    Ayon kay Sec. Carandang, pinasalamatan ng Pangulo ang grupo ng Bourne movie dahil sa pagpili sa Pilipinas bilang lokasyon ng kanilang shooting.

    "The President thanked them for choosing the Philippines and expressed the hope that this would lead to more film productions being staged in the country," sabi ni Carandang.

    Pinuri naman aniya ng mga producer ng pelikula ang mga Filipino crew at producers na kanilang nakatrabaho dahil sa dedikasyon at propesyunalismo ng mga ito, habang pinasalamatan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tumulong sa kanila upang mas mapagaang ang pagsu-syuting.

    "The producers of the latest Bourne movie expressed their admiration for the Philippine crew and producers for their professionalism and dedication. They were happy that they chose to film in Manila rather than the other locations they considered in Vietnam and Indonesia," dagdag ni Carandang. Reports from Johnson Manabat, Radyo Patrol and ABS-CBN News



Leave A Comment




 



  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Ex-Palawan Gov. Reyes at kapatid, inilagay na sa Interpol wanted list May 16, 2012 23:41:16 »
  • IMPEACHMENT Day 39: Chief Justice Renato Corona, tetestigo na sa Martes, Mayo 22 May 16, 2012 23:41:48 »
  • METRO 1 patay, 1 sugatan sa hostage taking sa Sampaloc, Maynila May 16, 2012 20:55:19 »
  • REGION Pulis na dinukot sa Zamboanga, pinakawalan na ng NPA May 16, 2012 20:08:49 »
  • WORLD Eroplanong sinasakyan ng French President, tinamaan ng kidlat May 16, 2012 12:14:32 »
  • ENTERTAINMENT Claudine at Raymart, may pabuya sa makapagbibigay ng buong kopya ng video ng gulo sa NAIA May 16, 2012 21:27:06 »
  • SPORTS Pacquiao, itinangging muntik na siyang idiborsyo ni Jinkee May 15, 2012 19:00:31 »