• PANAHON
    Manila, 34°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Cebu City, 34°C
      Partly cloudy
  • Helen Gamboa, nagsalita na tungkol sa namatay na anak

    By dzmm.com.ph | 01:26 PM 08/17/2012

  • "Naging emosyonal ang beteranang aktres na si Helen Gamboa habang pinapanood ang talumpati ng asawang si Senador Vicente "Tito" Sotto tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak noong Lunes, Agosto 13."

    Naging emosyonal ang beteranang aktres na si Helen Gamboa habang pinapanood ang talumpati ng asawang si Senador Vicente "Tito" Sotto tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak noong Lunes, Agosto 13.

    "Napaiyak ako kasi hindi naman namin pinangangalalandakan 'yung isang istorya na 'yun na parte ng buhay namin, na namatayan kami ng anak," ani Helen.

    Sa turno on en contra speech ni Sen. Sotto, ipinahayag nitong personal niyang kinokontra o hinahandlangan ang pagpasa ng Reproductive Health (RH) Bill dahil ito o ang paggamit ng contraceptives aniya ang dahilan kung bakit namatay ang kanilang anak noong 1975.

    Dagdag pa ni Helen, hindi totoo ang mga akusasyong isang drama lamang ang muntik nang pag-iyak ni Sotto habang nagtatalumpati ito.

    "Paano siya mababahiran [ng showbiz] kung as a father na-move siya, naging emosyonal siya? Hindi mo pwede 'yun haluan ng showbiz, kasi totoong nangyari 'yun sa buhay namin. He just cited it as an example," sabi nito.

    Pero kwento ni Helen, kung may mga negatibong reaksyon silang nakuha mula sa taumbayan ay marami rin naman silang nakuhang positibong komento.

    "'Yung kanyang speech, we really received a lot of positive reviews and comments, so siguro 'yung iba, parang [may] na-realize sila," ani Helen. Report from ABS-CBN News





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Dulong Hilagang Luzon, hagip ng trough ng LPA May 24, 2015 07:52:55 »
  • METRO Babae, patay matapos pagbabarilin sa Quiapo, Maynila May 24, 2015 08:59:28 »
  • ENTERTAINMENT Daniel Padilla, may bagong concert ngayong Hunyo May 21, 2015 18:48:32 »
  • SPORTS NCAA, balik ABS-CBN May 18, 2015 22:55:08 »
  • REGION 4 Koreano, timbog sa human trafficking sa Cebu May 23, 2015 15:55:56 »
  • WORLD Gay marriage, legal na sa Ireland May 24, 2015 10:39:44 »
  • GOOD NEWS TINGNAN: Vigan, hinirang na kabilang sa New7Wonder Cities May 08, 2015 12:48:38 »