• PANAHON
    Manila, 35°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 25°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 32°C
      Partly cloudy
  • Dolphy, isinailalim sa dialysis

    By Erik Tenedero, dzmm.com.ph | 07:05 PM 06/21/2012

  • "Sumasailalim sa dialysis si Comedy King Dolphy dahilan para bahagyang bumuti ang lagay ng kidney nito.      "

    Sumasailalim sa dialysis si Comedy King Dolphy dahilan para bahagyang bumuti ang lagay ng kidney nito.

    Sa pahayag ng tumatayong tagapagsalita ng pamilya na si Eric Quizon, anak ng Hari ng Komedya, sinabi nitong inirekomenda ng mga doktor ang dialysis makaraang mag-stable ang vital signs ng kaniyang ama sa nakalipas na magdamag.

    "The reason the option of dialysis was offered to us, and the reason why we opted for the option, is that over night his vitals became stable and that was the longest time that his vitals were stable. But of course, like I said, his condition still fluctuates."

    Isinagawa ang dialysis alas-2:40 Huwebes ng hapon.

    Paliwanag ni Eric Quizon, layunin ng dialysis na suportahan ang pagpalya ng ilan sa mga organ ng ama at mabawasan ang mga toxins sa katawan nito.

    Dahil dito, nagdesisyon aniya ang pamilya na ipagpatuloy lang ang pagsasailalim dito sa dialysis hangga't kinakailangan.

    Pero sa kabila nito, mababa aniya ang platelets ng kaniyang ama na nagdudulot ngayon ng hemorrhage o internal bleeding.

    "He might be susceptible to hemorrhaging. May bleeding sa loob at inaalam namin kung saan nanggagaling 'yung bleeding na 'to. It could be from all sort of things."

    Samantala, tuloy pa rin ang pagsasalin ng dugo kay Dolphy at nananatili pa ring kritikal ang kabuuang kondisyon nito.

    Bakas ng pag-asa at panalangin

    Malugod ding ibinalita ni Eric Quizon na bahagyang nagmulat ng mata ang kaniyang ama.

    "Somehow nagmulat yung kaniyang mata for a while at tumingin sa paligid. Natuwa ang mga kapatid ko, kaming lahat dahil alam namin na nadidinig niya kami 'nung time na 'yun and I knew he was trying to communicate with us. Somehow there's that glimmer of hope."

    Dahil dito, patuloy aniya silang nagdarasal at umaasa na makakasama pa nila sa matagal pang panahon ang kanilang ama.

    Labis na pasasalamat naman ang ipinaaabot ni Eric Quizon sa lahat ng tao na patuloy na nagdarasal para bumuti ang kalagayan ng Comedy King.

    Simula aniya nang manawagan siya Miyerkules ng gabi na ipagdasal ang Hari ng Komedya, malaki na ang ibinuti ng kalagayan nito.

    "When I made the first statement yesterday, 6:00 pm, overnight nagbago yung kaniyang kondisyon so alam namin na talagang mayroong miracle na nangyayari somehow na through prayers, sa lahat ng inyong dasal kasabay ng pamilya namin, nagiging mas mabuti ang kondisyon niya."

    Sa Sabado darating ang iba pang mga anak ni Dolphy mula sa ibang bansa.





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Pagtestigo ni Gigi Reyes sa Senado, hiniling ni Miriam April 21, 2014 17:03:34 »
  • METRO Deniece, Cedric, et al., ipinaaaresto na sa kasong serious illegal detention April 21, 2014 15:17:13 »
  • ENTERTAINMENT Vintage car ni Angel Locsin, naka-subasta para sa 'Yolanda' victims April 21, 2014 11:22:53 »
  • SPORTS Plano ni Pacman matapos manalo kay Bradley April 14, 2014 15:29:21 »
  • REGION Alkalde ng Gonzaga, Cagayan, binaril habang nasa flag raising ceremony April 21, 2014 16:22:11 »
  • WORLD 5 OFW sa UAE na hinihinalang nahawa ng MERS-CoV, tinututukan ng DFA April 21, 2014 15:41:26 »
  • GOOD NEWS Hamong malibot ang Europa nang walang pera, nalagpasan ng 3 Pinoy students April 20, 2014 18:30:25 »