• PANAHON
    Manila, 30°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 23°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 30°C
      Partly cloudy
  • DZMM, ABS-CBN, humakot ng parangal sa UmalohokJUAN Awards

    By dzmm.com.ph | 10:52 PM 03/12/2014
  • image
    "Nakuha ng Kapamilya network ang pinakamaraming parangal sa kauna-unahang UmalohokJuan Awards ng Lyceum of the Philippines sa Maynila."

    Nakuha ng Kapamilya network ang pinakamaraming parangal sa kauna-unahang UmalohokJuan Awards ng Lyceum of the Philippines sa Maynila.

    Sa 15 awards, anim ang hinakot ng ABS-CBN kabilang ang Best AM Radio Station para sa DZMM Radyo Patrol 630.

    Best Radio Program naman ang "Failon Ngayon" at itinanghal si Ted Failon bilang Best AM Radio Announcer at Best News Anchor.

    Best Female TV personality naman si Angel Locsin habang Best Public Service TV Advertisement ang "Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na".

    Ang UmalohokJUAN ay mula sa salitang umalohokan na mga town cryer o tagapagbalita na tumatakbo sa mga balangay bago pa ang pananakop ng mga Kastila.

    Nilagyan ito ng Lyceum ng katagang JUAN sa dulo na nangangahulugang justice, unity and nationalism. Report from Zhander Cayabyab, Radyo Patrol





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Sympathy walk, inilunsad ng libo-libong pulis para sa nasawing SAF members January 30, 2015 10:19:19 »
  • METRO 2 granada, bumulabog sa MPD Station 7 January 30, 2015 08:22:00 »
  • ENTERTAINMENT MJ Lastimosa, balik-bansa matapos sumabak sa Miss Universe January 29, 2015 06:23:44 »
  • SPORTS Mayweather, bumisita sa tinutuluyang hotel ni Pacquiao January 28, 2015 21:36:50 »
  • PAPAL VISIT Alamin ang mga Pinoy food na inihanda kay Pope Francis sa flight pa-Roma January 22, 2015 21:14:25 »
  • REGION Mga pulis sa Cebu, naglunsad din ng 'Walk for Sympathy' para sa nasawing SAF members January 30, 2015 08:33:40 »
  • WORLD Paghagilap sa Malaysia Airlines flight MH370, inihinto na January 30, 2015 08:23:54 »