• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 20°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 33°C
      Partly cloudy
  • Classification ng TV ratings, nirepaso ng MTRCB

    By dzmm.com.ph | 10:08 PM 10/06/2011

  • "Nirepaso ng Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB) ang TV classification ratings nito upang mas masiguro ang kapakanan ng mga batang manonood."

     

    Nirepaso ng Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB) ang TV classification ratings nito upang mas masiguro ang kapakanan ng mga batang manonood.

    Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, ibinahagi ni MTRCB Grace Poe-Llamanzares na idadagdag na ang Strong Parental Guidance (SGP) sa mga dati nang TV ratings gaya ng General Patronage (GP) at Parental Guidance (PG).

    Sa ilalim ng naturang memorandum, 10 segundong ipakikita sa telebisyon ang nakasulat na guidelines at verbal advisory bago magsimula ang programa.

    Layunin ng kampanya ng MTRCB na mabigyang lakas at edukasyon ang mga magulang na gumagabay sa kanilang mga anak sa panonood ng mga sensitibong palabas.

    Dagdag ni Llamanzares, nagsimula na ang ahensya na kumausap ng mga advertisers upang tumulong na mapalaganap ang kanilang advocacy.

    Binalaan din ng MTRCB Chief ang sinumang lalabag sa bagong probisyon ng ahensya kung saan maaaring magmulta o masuspinde.

    Hinamon naman ni Llamanzares ang mga magulang na maging responsable sa paggabay sa kanilang mga anak.






  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Babaeng may bitbit na baril, nakapasok sa Malakanyang August 22, 2014 18:48:42 »
  • METRO Eroplano, sumadsad sa NAIA runway August 22, 2014 21:43:52 »
  • ENTERTAINMENT Lea Salonga, nakiisa sa ALS Ice Bucket Challenge; Aga Muhlach, 'The Voice' coaches, hinamon August 22, 2014 18:21:51 »
  • SPORTS Gilas players, sumabak sa ice bucket challenge August 22, 2014 17:55:02 »
  • REGION Cessna plane, bumagsak sa Calatagan, Batangas August 22, 2014 20:26:09 »
  • WORLD Pinoy seaman sa Togo, sinusuri sa posibleng Ebola virus August 22, 2014 18:30:40 »
  • GOOD NEWS 2 estudyanteng Pinoy, wagi ng gold at bronze sa Math contest sa China August 20, 2014 15:51:10 »