• PANAHON
    Manila, 31°C
    Partly rainy
    • Baguio, 22°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
  • CA, pinayagan ang muling pagpapalabas ng programa ng Tulfo Bros.

    By dzmm.com.ph | 05:51 AM 06/21/2012

  • "Muling pinayagan ng Court of Appeals ang pagpapalabas ng programa ng magkakapatid na Tulfo sa TV5 matapos makakuha ng temporary restraining order (TRO). "

    Muling pinayagan ng Court of Appeals ang pagpapalabas ng programa ng magkakapatid na Tulfo sa TV5 matapos makakuha ng temporary restraining order (TRO).

    May bisa ang TRO ng 60 araw kasabay ng utos ng korte sa TV5 para maglagak ng P100,000.00 bond.

    Matatandaang sinuspinde ang programang "T3: kapatid, Sagot Kita" matapos umanong pagbantaan ng magkakapatid na Raffy, Ben at Erwin Tulfo ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto na nakaaway ng kanilang kapatid na si Mon.

    Noong Mayo 16, ibinasura ng appeleate court ang mosyon ng TV5 para ipawalang-bisa ang suspensyon na ipinataw ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

    Mayo 30 naman nang tuluyan nang sinuspinde ng MTRCB ang T3 sa loob ng tatlong buwan. Report from Arnel Ozaeta, Radyo Patrol





  • Most Recent
  • Most Discussed
TOP NEWS
  • NATIONAL Lito Lapid, nahaharap sa kasong graft dahil sa fertilizer scam August 01, 2014 20:54:39 »
  • METRO 2 patay, higit 20 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa pader ng gasolinahan sa Antipolo August 01, 2014 11:57:13 »
  • ENTERTAINMENT Piolo Pascual, kauna-unahang Pinoy male celeb na itatampok sa E! News Asia August 01, 2014 21:49:48 »
  • SPORTS Pacquiao, planong magretiro sa 2016; posibleng tumakbong senador July 31, 2014 21:27:52 »
  • REGION 1 patay, 1 sugatan sa engkwentro ng NPA at militar sa Negros Occ August 01, 2014 10:26:39 »
  • WORLD 22 patay, higit 200 sugatan sa gas explosions sa Taiwan August 01, 2014 11:40:53 »
  • GOOD NEWS Iriga City Singing Ambassadors, humakot ng medalya sa World Choir Games August 01, 2014 12:40:05 »