• PANAHON
    Manila, 32°C
    Partly cloudy
    • Baguio, 21°C
      Partly cloudy
    • Metro Cebu, 31°C
      Partly cloudy
    DZMM Teleradyo
  • UNA SA PUBLIC SERVICE
ANNOUNCEMENTS

Readings for the Week

Setyembre 14 - 20

ENERO

Mataas ang enerhiya mo ngayon, masipag ka at puno ng ambisyon. Ikaw ay maghahanda sa mga future project at magiging focused ka sa pagsasaliksik at mag-isang kikilos. Marami kang pag-aaralan na titingnan mong mag-isa at tahimik kang gagalaw. Magpaplano ka ring bumiyahe kasama ang trabaho. Maging masinsin sa iyong mga plano.

PEBRERO

Kooperasyon ang tema ngayon. Marami ring pagtitipong dadaluhan at maaaring may mga paglalakbay na magaganap ngayong linggo. May mga bago kang makikilala at ang mga ito ay magiging mahalagang kontak sa negosyo o trabaho. Maraming maa-attract sa iyo dahil sa inyong charm. Mag-enjoy lang sa company ng iba.

MARSO

Gaganda ang inyong mga relasyon ngayong linggo. Mayroon ding pagkakasundo sa mga hindi nakaintindihan sa nakaraan. Maganda ang paligid at ang mga tao ay magiging cooperative sa iyo ngayon. Sa mga single, may magagandang sitwasyon na magpapakilig sa inyo. Maganda rin ang career ninyo ngayon.

ABRIL

Marami kang high profile moments ngayon. Kung ikaw ay negosyante, mabubuo ngayon ang mga plano. Ayusing maigi ang mga usaping partnership at maging masinsin sa detalye. Makakaisip ka ring mag-aral o ikaw mismo ang magbibigay ng lecture. Lawakan ang inyong pag-iisip at maaaring may pasukin kang bagong area sa inyong career o negosyo.

MAYO

Maging matatag at firm sa inyong paninindigan ngayon. Mayroong mga negosasyon na dapat iisa lang ang inyong direksyon o desisyon. Mai-involve kayo sa maraming usaping pinansyal ng ibang tao. Magiging busy ka at mai-stress ang iyong isip kaya mahalaga ring isipin ang inyong kalusugan ngayon.

HUNYO

Magiging creative ka ngayon at mag-ienjoy sa mga taong nakapaligid. Mas naka-focus ang enehiya ngayon sa relasyon. Maging aggressive o assertive sa inyong presence. Maging creative din sa inyong lovelife at maging expressive. May 6 na linggo ka upang mapaganda at ma-enjoy mo ang masasayang love energy.

HULYO

Maganda ang linggong ito para sa pamilya. Masusubukan din ang inyong kakayahan sa pagbenta at punong-puno ka ng motivation. Mag-ingat lamang at baka magkaroon ng problema physically kung aabusuhin o bibilisang masyado ang mga pagbabago o pagkilos.

AGOSTO

Umpisahan ang bagong exercise na routine. Kailangan mo ngayong maghinay-hinay at tingnan ang inyong kalusugan. Mag-ingat din sa inyong mga desisyon at huwag padalos-dalos. Kahit sa inyong lovelife, kailangang maging kontrolado ang inyong feelings upang hindi magkamali. May charm ka nga pero dapat lang na tantiyahin ang mga kilos. May mga party na dadaluhan.

SETYEMBRE

Kung ikaw ay single, magiging maganda ang linggong ito para makakilala ng isang interesting na tao. May pagbabago rin sa inyong tahanan o tinitirhan. Maaaring makahanap ka ng bagong tirahan o magpapaayos ng tinitirhan. Dapat maging friendly ka ngayon para may makatulong sa inyong pagnenegosyo o career.

OKTUBRE

May maiikling mga paglalakbay. Ngayon ay maraming negosasyon at pag-uusap tungkol sa mga kontrata. May mga pagkakataong kailangan mong mag-isa at magsaliksik tungkol sa mga balak. Planuhin ang inyong mga susunod na hakbang at siguradong maganda ang kahihinatnan. Lumabas at makipagkaibigan din upang lumawak ang inyong social circle.

NOBYEMBRE

Ngayon mukhang gaganda ang inyong financial status. Magiging motivated ka sa inyong negosyo o trabaho dahil maraming oportunidad na papasok. Marami ring papasok na transaction pero nararapat lamang na magtabi ng pera at huwag gastusin sa hindi kinakailangan. May isang kaibigan na magiging romantic ang pagtingin mo sa kanya

DISYEMBRE

Lalabas ka ngayon at makikipag-ugnayan sa mga tao. Marami kang proyektong mauumpisahan at magiging popular sa tao. Maaaring may promotion ka ngayon at mabango sa inyong career. May bago ring mga proyekto na mauumpisahan, may business travel na nababanaag. Malakas ang inyong enerhiya ngayon at may magandang balita. Magiging malapit ka din sa isang tao na makakapagpakilig sa iyo.

Paalala: Ang lahat ng ito ay gabay lamang, tayo pa rin ang gagawa ng ating kapalaran.

Sa iba pang readings ni Stargazer, makinig/manood sa kaniyang programang Pinoy Vibes tuwing Linggo ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw.